Image
managed by
Image
managed by
Image
managed by
Image
Image
Image
managed by
Image

Piliin ang investment na para sa'yo

Php 50 lang pwede na maging owner ng top companies
All trademarks, logos and brand names are the property of their respective owners.
Placeholder Image

Top Pinoy Companies

Go pinoy with companies like SM investments and Jollibee. Dahil kilala mo ang mga ito, masubaybayan ang investments mo.
Placeholder Image

Global Tech Companies

Participate in a fund that invests in brand like Apple, Microsoft, and Google.
Image

mag-invest > simple

May Ka-Cebuana Coach ka na tutulong sa lahat ng tanong mo sa investment

Image

Bakit ako magsisimula ng micro investment with Cebuana?

Dahil sa Cebuana Lhuillier tiwala ka na—may more than 3,000 branches na malalapitan saan man sa Pilipinas. Ang Cebuana ay lagi rin handang tumulong at mag-guide sa ‘yo sa bawat hakbang ng iyong pag-iinvest para matupad ang iyong mga pangarap.

Bakit kailangan kong mag-invest?

Sa pag-iinvest, maaaring lumago ang iyong pera para sa kinabukasan mo at mga mahal mo sa buhay. Pwede itong ilaan para sa edukasyon, retirement at iba pang pangangailangan mo.

Ano ang fund?

Ito ay isang uri ng investment kung saan ang mga pera ay pinagsasama-sama at pinangangasiwaan ng professional fund managers para palaguin.

Paano kumikita ang fund?

Kapag ang halaga ng iyong fund sa isang kumpanya ay tumaas sa paglipas ng panahon, tutubo rin ang iyong investment.

Ano ang ATRAM?

Ang ATRAM ay isang asset management at financial advising group na nag-ooffer ng funds na may investment sa top corporations globally and locally. Mayroon silang pool of experts na iintindi ng market at magma-manage ng fund para sa’yo para lumaki ang investments mo over time.

Sino ang tutulong sakin sa pag-invest?

May Kanegosyo Center Specialist na maaaring tumulong at mag-guide sa iyo sa pag-iinvest at magbibigay ng karagdagang kaalaman tungkol sa produkto na ito. Handa silang sagutin ang lahat ng iyong tanong para makapili ka ng investment na best suited para sa pangangailangan mo.

Ano ang mga funds na ino-offer sa Kanegosyo?

Ang ATRAM Philippine Equity Fund ay ginawa para mag-generate ng excess returns kumpara sa kanyang benchmark sa pamamagitan ng enhanced index approach, na pinagsasama ang mga bahagi ng passive at active management.

ATRAM Global Technology Feeder Fund ay may layuning makamit ang long-term capital appreciation sa pamamagitan ng pag-iinvest sa mga equity securities ng mga global companies na nakikinabang mula sa technological advances and improvements.


Ano ang Unit of Investment (UITF) at ano ang gamit nito?

Ang Unit Investment Trust Fund (UITF) ay isang pooled fund ng mga investment na pinondohan ng iba't ibang mga investors. Bawat pooled fund ay mina-manage ng mga professional fund managers at ini-invest sa iba't ibang mga securities (karaniwan ay mga stocks, bonds, o kombinasyon ng mga ito) ayon sa strategy ng fund na nakasaad sa mga Plan Rules.

Ang isang client ng UITF ay bumibili ng mga unit of participation sa fund at kumikita mula sa gain o loss na resulta ng fund performance. Ang UITF ay walang maturity date at ito ay open-ended, ibig sabihin nito ay maaari mong i-redeem ang mga units anumang oras.

Mahalagang tandaan na ang UITF ay isang trust fund at hindi isang deposit product. Ibig sabihin nito, hindi ito sakop ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) at walang garantiya ng kita o ng prinsipal.


Ano ang equity fund?

Ang equity fund ay nag-iinvest sa equities at ito ay bagay sa mga aggressive investors na may panahong mamuhunan ng higit 5 taon. Ang ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund ay isang example ng equity fund.

Ano ang feeder fund?

Ang feeder fund ay nag-iinvest nang hindi bababa sa 90% ng kanyang assets sa isang collective investment scheme o "Target Fund." Ang fund na ito ay bagay sa mga aggressive investors na may panahong mamuhunan na higit sa 5 taon. Ang ATRAM Global Technology Feeder Fund at ATRAM Philippine Equity Smart Index Fund ay mga halimbawa ng feeder funds.

Paano kumita sa investments?

Sa Equity fund, kumikita ang fund sa pamamagitan ng mga dividends (kung mayroon man) at trading ng equity investments sa fund. Para sa Feeder fund, ito ay kumikita sa pamamagitan ng mga dividends (kung mayroon man) at mga pagbabago sa market value ng Target Fund. Ang kita ng Target Fund ay nakadepende sa klase ng fund investment (maging ito ay isang money market, bond o equity fund).

Ano ang mga fees na babayaran sa fund?

Ang mga fees na babayaran sa fund ay ang mga sumusunod:

  1. Trustee Fee
  2. Custodianship Fee
  3. External Auditor Fees
  4. Transaction Fees
  5. Other fees allowed by BSP

In addition sa mga bayarin, ang "Target Fund" ng isang feeder fund ay napapailalim sa sarili nitong mga gastos sa pagpapatakbo kabilang ang isang hiwalay na bayad sa pamamahala. Ang mga investors ng feeder fund ay pinapayuhan na isaalang-alang ang mga naturang fees at charges bago mag-invest sa fund dahil maaaring sila ay mapailalim sa higher fees na magmumula sa layered investment structure.

Para sa karagdagang impormasyon sa mga bayarin ng fund, maaari mong i-download ang Declaration of Trust (DOT) ng fund mula sa www.atram.com.ph


Kailan ang best time to invest?

Ang pinakamagandang panahon para mag-invest ay NGAYON. Ang conventional wisdom ay bumili ng mababa, magbenta ng mataas. Ngunit ito ay talagang mahirap gawin, kahit na mayroon kang karanasan sa investment. Iminumungkahi rin namin na mag-invest ka nang madalas at manatiling mag-invest nang mas matagal upang mabawasan ang epekto ng volatility sa iyong investment.

May holding period ba ang funds?

Walang holding period sa mga funds sa Kanegosyo Center.

Maaari ba kayong magbigay ng market outlook?

Para sa latest market outlook, inirerekumenda namin na i-access mo ang aming website sa: https://www.atram.com.ph/insights. Dito maaari mong tingnan ang aming latest market report at maaari mo ring panoorin ang aming mga free webinars.

Ano ang mga risks sa pag-iinvest sa funds?

Ang mga sumusunod ay ang mga risks sa pag-iinvest sa UITF:

Credit Risk Risk na ang issuer ay ma-delay o hindi magbabayad ng interes at/o prinsipal
Counterparty Risk Risk na ang broker/dealer ay makagawa ng error, pandaraya, o financial failure
Liquidity Risk Risk na hindi ma-liquidate o ma-convert o ibenta ng investor ang kanyang asset for cash
Interest Rate Risk Risk na bumaba ang halaga ng mga securities dahil sa mga pagbabago sa interest rates
Sovereign Risk Risk na hatid ng actions of a sovereign government o independent events (digmaan, kaguluhan, atbp.) ay maaaring makaapekto sa kakayahan ng mga issuers sa bansang iyon na bayaran ang kanilang mga utang
Currency Risk Risk na associated sa mga pagkalugi na nagmumula sa exposure sa foreign currency denominated assets
Reinvestment Risk Risk na associated sa posibilidad na magkaroon nang mas mababang kita ang earnings kapag nag-mature na ang mga placements, o ang interest earnings are reinvested.

In addition sa mga risks, ang feeder fund ay may mga karagdagang risks na nakadetalye sa Declaration of Trust of the fund na maaaring ma-access sa pamamagitan ng "DOCUMENTS" section sa mga sumusunod na link:

ATRAM Phil Equity Smart Index Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRPHSE

ATRAM Global Technology Feeder Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRGTEC


Kailangan ko na bang ibenta o hawakan muna ang investments ko?

Hindi mo mahuhulaan kung ano ang mangyayari sa market. Kung komportable ka sa kinita ng iyong fund, pwede mo itong ibenta o i-redeem ang iyong investment.

Gayunpaman, ang mga ATRAM Funds are designed to be long-term investments. Upang i-maximize ang mga kita sa iyong investment, inirerekomenda namin na manatili kang mag-invest sa inirerekomendang investment period na sumusunod:

Fund Name Investment Period
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund More than 5 years
ATRAM Global Technology Feeder Fund More than 5 years

In addition, ang mga ATRAM Funds are actively-managed ng aming mga Fund Managers. Ito ay patuloy na ina-adjust depende sa nangyayari sa market.


Ano ang historical fund performance ng fund?

Upang ma-access ang higit pang impormasyon tungkol sa performance ng funds, narito ang mga link sa mga funds:

ATRAM Phil Equity Smart Index Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRPHSE

ATRAM Global Consumer Trends Feeder Fund: https://www.atram.com.ph/funds/uitf/ATRCTRP


Paano mag-open ng fund sa Kanegosyo Center?

Mag-log in lamang sa website ng Kanegosyo Center (KNC) sa www.kanegosyocenter.com at magparehistro. Kapag nakarehistro na, ang bawat miyembro ay magkakaroon ng access sa iba't ibang product offerings ng Kanegosyo Center program, kabilang ang Micro Investments.

Paano palitan ang risk profile?

Kapag nag-subscribe ka sa isang Fund na may mas mataas na risk, hihilingin sa iyo na sumang-ayon sa WAIVER NG CLIENT SUITABILITY PROFILING. Sa pagsang-ayon sa waiver, ipinapahiwatig mo na naiintindihan mo ang mga panganib ng investing sa mga funds na wala sa iyong risk profile.

Kailan ko matatanggap ang Certificate of Participation (COP) / Certificate of Redemption (COR)?

Depende sa fund, ang COP o COR ay ii-email sa iyo sa loob ng 3 hanggang 5 araw pagkatapos ng transaction date gaya ng sumusunod:

Fund Name COP/COR
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund 2 Banking Days
ATRAM Global Technology Feeder Fund 4 Banking Days

Paano bumili sa ATRAM Funds sa Kanegosyo Center?

Pumunta lamang sa Micro Investments page ng Kanegosyo Center (KNC) website at pumili ng fund ayon sa mga pangangailangan mo. Ilagay mo ang investment amount at magconfirm ng buy order.

Paano ibenta ang ATRAM Funds sa Kanegosyo Center?

I-select lamang alin sa iyong existing funds ang gusto mong ibenta. Ilagay mo ang halaga ng iyong benta and iconfirm ang iyong sell order.

Ano ang cut off schedule?

Ang cut-off time para i-transact ang iyong investment ay 11:00 am. Kung nag-subscribe ka o nag-redeem pagkatapos ng cut-off time, ang iyong transaksyon ay ipoproseso sa susunod na business day.


Ano ang minimum investment amount?

Ang mga minimum na halaga ng subscription para sa investment ay ang mga sumusunod:

Fund Name Minimum Initial Investment Minimum Additional Investment
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund 50 50
ATRAM Global Technology Feeder Fund 1000 1000

Ano ang maximum amount na pwedeng i-invest?

Depende ito sa type ng investment, ngunit ang maximum na halaga ay Php 1,000,000.00.

Ano ang minimum redemption amount?

Ang mga minimum redemption amounts ay ang sumusunod:

Fund Name Minimum Redemption Amount
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund 50
ATRAM Global Technology Feeder Fund 50

Ano ang order processing time ng subscription ko?

Ang iyong subscription/buy order ay makikita sa iyong Invest Money balance after ng Transaction Allocation.

Mangyaring tingnan ang schedule ng mga subscription/buy order transactions para sa bawat fund:

Fund Name Transaction Allocation (NAVPU/Final Prices Availability)
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund 2 Banking Days
ATRAM Global Technology Feeder Fund 4 Banking Days

Kung hindi pa rin lumalabas ang fund 1 banking day pagkatapos ng ng standard processing time, mangyaring makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center Customer Cares:

(02) 8779-9800 (PLDT)

(02) 7759-9800 (Globelines)

0917 812 2737 and 0918 812 2737 (SMS/Viber)


Ano ang processing time sa aking redemption?

Ang iyong sell order ay make-credit sa iyong nominated bank account o preferred redemption channel (Gcash, atbp) pagkatapos ng overall processing time. Pakitingnan ang schedule ng redemption o pagbebenta ng mga sell order transactions sa bawat fund sa ibaba:

Fund Name Overall Processing (Final Crediting)
ATRAM Phil Equity Smart Index Fund 4 Banking Days
ATRAM Global Technology Feeder Fund 8 Banking Days

Kung ang fund ay hindi pa rin credited 1 banking day pagkatapos ng ng standard processing time, mangyaring makipag-ugnayan sa Kanegosyo Center Customer Cares:

(02) 8779-9800 (PLDT)

(02) 7759-9800 (Globelines)

0917 812 2737 and 0918 812 2737 (SMS/Viber)